Don Marcelino, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 26 kilometers southeast ng bayan ng Don Marcelino, alas-3:07 umaga ng Biyernes (December 11).

May lalim na 117 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...