Kiamba, Sarangani niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang lalawigan ng Sarangani .

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 63 kilometers southwest ng bayan ng Kiamba, alas-2:40 umaga ng Biyernes (December 11).

May lalim na 486 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...