Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.8 na lindol


Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 327 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, alas-10:07 gabi ng Huwebes (December 10).

May lalim na 5 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...