COVID-19 recoveries sa QC nasa 24,492 na

Nakapagtala pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Batay sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 26,039 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod hanggang araw ng Huwebes (Dec. 10).

Ang nasabing bilang ng kaso ay naisailalim na sa validation ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 808 o katumbas ng tatlong porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng sakit.

24,492 o 94 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 739 o tatlong porsyento ang nasawi.

 

 

 

Read more...