Taiwan Region niyanig ng magnitude 6.3 na lindol; pagyanig naramdaman sa Batanes

Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang Taiwan Region.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 24.84 north, 122.01 east ng nasabing lugar.

Ang pagyanig ay naitala ng Calayan, Cagayan Seismic Station (Station code:CICP), alas-9:20 gabi ng Huwebes (December 10) oras sa Pilipinas.

Naitala naman ang intensity 2 sa Basco, Batanes sa pamamagitan ng Phivolcs Earthquake Intensity Scale.

Ang distansya ng pagyanig mula sa origin nito hanggang sa Calayan, Cagayan Seismic Station ay tinatayang 346 kilometers.

Wala pa namang naitatalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...