Kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas, nadagdagan pa ng 65

Nadagdagan ng 65 pa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 927 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC, DWHVL at Ormoc Molecular Diagnostic Center.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 9:00, Huwebes ng umaga (December 10), 9,185 na ang confirmed COVID-19 cases sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 422 o 4.59 porsyento ang aktibong kaso.

73 residente naman ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 8,663 o 94.32 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Nasa 100 na ang mga residenteng nasawi o 1.09 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

 

 

Read more...