Mabini, Batangas niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Batangas.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 7 kilometers southeast ng bayan ng Mabini, alas-10:46 gabi ng Huwebes (December 10).

May lalim na 8 kilometers at volcanic-tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala naman ang instrumental intensity 1 sa Calatagan, Batangas.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...