Metro Manila mga kalapit na lalawigan patuloy uulanin – PAGASA

Magpapatuloy ang nararanasang pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Ang pag-ulan ay dulot ng binabantayang Low Pressure Area ng PAGASA.

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 11:00 ng umaga ngayong Huwebes, December 10, mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at sa mga bayan ng General Tinio, gapan, San Isidro at Cabiao sa Quezon; at sa Bamban, Tarlac.

Pinapayuhan ang publiko at Local Disaster Risk Reduction and Management Offices na imonitor ang lagay ng panahon at mag-antabay sa susunod na abiso ng PAGASA.

 

 

 

Read more...