Sen. Lacson, nagdududa sa P28.3-B dagdag sa 2021 budget ng DPWH

Hindi masikmura ni Senator Panfilo Lacson ang naidagdag na P28.3 bilyon sa pondo ng DPWH sa susunod na taon base sa ipinasa ng bicameral conference committee na P4.5-trillion 2021 national budget.

Ayon kay Lacson, hinala niya ay nagkaroon ng malawakang realignments at insertions ang ilang mambabatas at tanong niya, maaaring ang nangyari ay para sa ‘election campaign budget’ para sa 2022 elections.

Partikular pa nitong binanggit ang mga kinuwestiyon niyang multi-purpose buildings na ilang beses nang napondohan at sa susunod na taon ay nadagdagan pa ang pondo.

Nangyari ito sa kabila nang malinaw na pagsasayang ng pera dahil sa kabiguan ng DPWH na ipaayos ang multi-purpose buildings.

Paglilinaw ni Lacson, hindi naman niya kinukuwestiyon ang naging desisyon ng mayorya ng mga kapwa niya senador sa nangyaring deliberasyon.

Diin lang niya, hindi niya maibibigay ang kanyang boto hanggang hindi niya nasusuri ang detalye ng bicameral conference report.

Umaasa lang din siya na may natutunang leksyon ang lahat sa pangyayari.

Read more...