“Trabaho po ng NTF-ELCAC ‘yan. Binubuo po ng iba’t ibang… mga ahensya ng gobyerno at kasama na rin si Pangulo dito (bilang Chair) at ang National Security Adviser (Hermogenes Esperon) ang Vice-Chair nito,” sabi ni Go.
Binuo ang task force sa pamamagitan ng Executive Order No. 70 noong 2018 at layon nito ang isang hakbang para magkaroon na ng ganap na kapayapaan sa Pilipinas.
Kasabay nito, nanawagan si Go sa mga nais pabagsakin ang administrasyon na kilalanin ang pagpili ng mayorya ng mga Filipino kay Pangulong Duterte para pamunuan ang bansa.
“Para naman sa mga komunista, you are free to criticize the government,” diin ng senador sa katuwiran na kinikilala ang kalayaan ang malayang pamamahayag ngunit ibang usapan na ang pagkilos para isabotahe ang gobyerno.