Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang December 10, nasa 11,699 pa rin ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 82 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,274 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Wala ring bagong gumaling kung kaya 7,578 pa rin ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Wala ring ang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 847 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,544 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,415 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 769 naman ang kaso sa Americas at 1,971 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.