Active COVID-19 cases sa Muntinlupa City, nasa 49 na lang

Umabot na sa 4,990 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 5:00, Huwebes ng hapon (December 10), sa nasabing bilang ay 49 na lang ang aktibong kaso.

237 ang bilang ng probable case at 33 ang suspected cases.

Samantala, 4,780 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 161 pa rin ang bilang ng nasawi.

Read more...