Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (December 10), umabot na sa 445,540 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 27,781 o 6.2 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,383 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
85.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.7 porsyento ang asymptomatic; 0.25 porsyento ang moderate; 2.5 porsyento ang severe habang 5.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 24 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 8,701 o 1.95 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 133 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 409,133 o 91.8 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.