High-value target, timbog sa buy-bust operation sa Bohol

PDEA RO7 photo

Arestado ang isang drug suspect sa ikinasang buy-bust operation sa Tagbiliran City, Bohol Miyerkules ng gabi.

Isinagawa ng PDEA at PNP ang operasyon sa bahagi ng Purok 3 sa Barangay Ubujan dakong 6:15 ng gabi.

Nahuli sa operasyon si Richard Don Palacio, 39-anyos na residente ng nasabing barangay.

Kinilala si Palacio bilang target-listed personality na nag-ooperate sa Tagbilaran City at iba pang kalapit na munisipalidad.

Nakumpiska kay Palacio ang 11 pack ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P20,400, buy-bust money, at iba pang non-drug evidence.

Mahaharap si Palacio sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...