DPWH, magsasagawa ng road repair sa QC sa weekend

Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng road preventive maintenance works sa Quezon City sa darating na weekend.

Sinabi ng kagawaran na mayroon nang clearance ang road repair sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, magsasagawa ng concrete reblocking ang DPWH Quezon City 2nd District Engineering Office team sa bahagi ng Ortigas – Granada Road, mula N. Domingo hanggang Colonel Bonny Serrano Avenue, pagkatapos ng Ortigas-Granada Bridge, sa harap ng Sampaguita Pictures patungong RCBC, 1st at 2nd lane mula sa sidewalk.

Magsisimula ang road repair bandang 11:00, Biyernes ng gabi (December 11).

Dahil dito, inabisuhan ang mga motorista na planuhing mabuti ang kanilang biyahe at dumaan muna sa mga alternatibong ruta.

Muli namang bubuksan ang apektadong road section bandang 5:00, Lunes ng madaling-araw (December 14).

Read more...