Ilang lalawigan sa Luzon, makararanas pa rin ng pag-ulan

Asahang makararanas pa rin ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Central Luzon at CALABARZON.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 2:00 ng hapon, mahina hanggang katamtamang buhos ng ulan ang iiral.

Partikular ito sa Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga at Cavite.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Read more...