Mga gumaling sa COVID-19 sa hanay ng PNP, nasa 7,962 na

Aabot sa 31 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (December 9), 8,422 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 433 ang aktibo pang kaso.

Lima namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 7,962 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang pulis na napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 27 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...