Dahil dito, operational na ang naturang ferry service tuwing Lunes hanggang Linggo, mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.
Sinabi ng MMDA na libre pa rin ang sakay sa nasabing serbisyo.
Dagdag pa nito, limitado pa ang operasyon ng ferry bilang pagtugon sa health at safety protocols laban sa COVID-19.
Tiniyak din ng ahensya na mahigpit na sinusunod ng safety measures sa ferry service tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, physical distancing, pagsailalim sa temperature check, at pag-fill up ng manifest at commuter information sheet.
MOST READ
LATEST STORIES