Ayon kay Senator Sonny Angara, ito ay kung ang bibilhing bakuna ng pamahalaan ay ang bakuna na P600 ang halaga kada dose.
Sa ilalim ng inaprubahang 2021 national budget, may inilaan na P72.5 billion para sa pagbili ng COVID-19 vaccines, bukod pa ang P10 billion na nakalaan sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.
Una nang sinabi ni National Task Force against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. target ng pamahalaan na mabakunahan ang 60 to 70 percent ng mga Pinoy.
Sinabi ni Angara na sapat na sapat na ang nakalaang budget para makamit ang target na ito ng gobyerno.