Global cases ng COVID-19 mahigit 69.2 million na

Umabot sa mahigit 635,000 pa ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa nakalipas na magdamag.

Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Huwebes, (Dec. 10) ay 69,205,721 na ang global cases ng COVID-19.

Sa magdamag, mahigit 296,000 ang bagong kaso na naitala sa US.

Habang mahigit 26,000 naman ang bagong kaso sa India at mahigit 54,000 ang bagong kaso sa Brazil.

Nakapagtala naman ang Russia ng dagdag na 26,000 na mga bagong kaso.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 15,814,872
India – 9,762,326
Brazil – 6,730,118
Russia – 2,541,199
France – 2,324,216
Italy – 1,770,149
UK – 1,766,819
Spain – 1,725,473
Argentina – 1,475,222
Colombia – 1,392,133

 

 

 

 

 

 

 

Read more...