LOOK: Iba’t ibang grupo nagsagawa ng protesta kasabay ng paggunita sa International Human Rights Day

Sinabayan ng kilos protesta ng iba’t ibang grupo ang paggunita ngayong araw sa International Human Rights Day.

Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan, hindi nagpapigil ang mga militanteng grupo sa kanilang pagtitipon at pagmamartsa patungo ng Mendiola.

Kinondena nila ang anila ay patuloy na pag-atake ng administrasyong Duterte sa mga militante.

Hiniling din nilang itigil ang “red-tagging” sa mga grupo o indibidwal na kritikal sa pamahalaan.

 

 

Read more...