DFA, pinakakalma ang mga Filipino sa Belgium

charles-jose-dfaPinakakalma ng Department of Foreign Affairs ang mga Filipino na nasa Belgium matapos ang sunod sunod na terrorist attack sa Brussels.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni DFA spokesman Assistant Secretary Charles Jose, pinayuhan ang mga Filipino sa Belgium na iwasan na muna ang pagtungo sa mga matataong lugar.

Naglabas na aniya ng advisory ang Embahada ng Pilipinas sa Belgium na pinapayuhan ang mga Filipino na manatili na muna sa bahay at iwasan ang pagbiyahe.

Hinihikayat ng DFA ang mga Filipino sa Belgium na agad na makipag ugnayan sa mga awtoridad kung may mapapansing kahina-hinalang bagay o tao.

Ayon kay Jose, walang Filipino ang naiulat na nasawi sa pagsabog.

Read more...