Mga Pinoy ligtas sa pagsabog sa Brussels, Belgium

In this photo provided by Georgian Public Broadcaster and photographed by Ketevan Kardava two women wounded in Brussels Airport in Brussels, Belgium, after explosions were heard Tuesday, March 22, 2016. A developing situation left at least one person and possibly more dead in explosions that ripped through the departure hall at Brussels airport Tuesday, police said. All flights were canceled, arriving planes were being diverted and Belgium's terror alert level was raised to maximum, officials said. (Ketevan Kardava/ Georgian Public Broadcaster via AP)
Ketevan Kardava/Georgian Public Broadcaster via AP

Walang Pilipino ang nasawi sa pagsabog sa Brussels, Belgium.

Sa ulat ni Arlene Andes ng Radyo Inquirer sa Brussels, paakyat pa lamang ang mga Filipino workers sa airport nang maganap ang pagsabog.

Ayon kay Andes, agad na nagtakbuhan palayo ang mga Filipino workers kung kaya nakaligtas ang mga ito sa pagsabog.

Sa intelligence report ng Brussels, ilan sa mga nasawi ay mga Amerikano, habang ang iba ay galing ng Netherland at Sweden.

Ayon kay Andes, nanawagan ang Embahada ng Pilipinas sa Belgium sa mga Pilipino na makipag-ugnayan sa kanilang hanay para mabatid kung lahat at accounted for.

Ayon kay Andes, pinasabog ang train sa Brussels kung saan malapit ang mga malalaking embahada, mga gusali ng European Parliament at Commission.

Read more...