Ayon kay Atty, Victor Fernandez, handa na rin ang kaniyang kliyente na ilabas ang lahat ng kaniyang nalalaman sa susunod na pagdinig sa Senate Blue Ribbon Committee sa March 29, tungkol sa kinasaasngkutan nitong eskandalo.
Bumalik ani Fernandez si Kim mula sa Singapore noong Linggo.
Kasabay ng pag-anunsyo niya ng kahandaan ni Kim na humarap sa Senado, kinwetyon rin ni Fernandez ang timing ng pagsasampa ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ng kaso sa Department of Justice (DOJ) laban sa kaniyang kliyente.
Sadyang kahina-hinala umano ito at sa tingin niya, mayroong mga makapangyarihang tao ang nasa likod nito na natatakot sa mga ibubunyag ng kaniyang kliyente.
Kung sa inaakala aniya ng kanilang mga kalaban ay mapipigilan ng kasong ito ang pagsasalita ni Kim sa Senado, nagkakamali sila.
Ikinagulat kasi ng kampo ni Kim ang pagsasampa ng AMLC ng kaso base lamang sa testimonya ng sinibak na RCBC branch manager na si Maia Santos-Deguito sa Senate Blue Ribbon Committee.
Ipinagtataka rin nila kung bakit tila nagmamadali ang AMLC, na umabot sa puntong ginamit na lamang na basehan ang mga sinabi ni Deguito para siya ay kasuhan.