Proteksyon mula sa pamahalaan, tinanggihan ni Deguito

Deguito1Inalok ng proteksyon ng Senado si Maia Santos-Deguito, dating bank manager ng RCBC na nasasangkot sa money laundering ng $81 million na ninakaw mula sa Bangladesh central bank.

Ngunit ayon kay Sen. Serge Osmeña, tinanggihan ni Deguito ang witness protection program ng pamahalaan noong sila ay nasa closes session ng Senate blue ribbon committee.

Hindi naman alam ni Osmeña kung bakit tumanggi si Deguito.

Una nang sinabi ng Senador na ang mga pahayag ni Deguito sa kanilang closed session ay ang pinakamalapit sa katotohanan kumpara sa lahat ng mga nasasangkot ngayon sa eskandalo.

Ani Osmeña, ang testimonya kasi ni Deguito sa nasabing sesyon ay madali nilang nai-kumpara sa mga hawak na nilang impormasyon bago pa man ang pagpu-pulong.

Read more...