Ang LPA ay huling namataan sa layong 35 kilometers South Southwest ng Alabat, Quezon.
Sa ngayon, ayon sa PAGASA maliit pa naman ang tsansa maging siang ganap na bagyo ang LPA.
Dahil sa epekto ng LPA, makararanas ngayong araw ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, at Pangasinan.
Maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan naman ang mararanasan sa Batanes at Babuyan Islands dahil sa Amihan.
Localized thunderstorms naman ang iiral sa nalalabi pang bahagi ng bansa.
MOST READ
LATEST STORIES