Metro Manila mga kalapit na lalawigan maagang inulan dahil sa LPA

Maagang nakaranas ng pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 5:00 ng umaga ngayong Huwebes, December 10, mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Nueva Ecija.

Ganitong lagay na din ng panahon ang nakaaapekto sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon at Pampanga.

Pinapayuhan ang publiko at Local Disaster Risk Reduction and Management Offices na imonitor ang lagay ng panahon at mag-antabay sa susunod na abiso ng PAGASA.

 

 

 

Read more...