Bilang ng mga Filipino sa abroad na nagpositibo sa COVID-19 nadagdagan pa – DFA

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Filipino na nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) (Miyerkules, December 9), nasa 11,699 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 82 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,274 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Ang bilang ng mga naka-recover o na-discharge na sa ospital ay 7,578.

Ang bilang naman ng mga Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19 ay nanatili sa 847 na.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na Filipino sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,544 na kaso.

Sumunod dito ang Asia Pacific Region na may 1,971 confirmed COVID-19 positive cases.

Nasa 1,415 naman kaso ang sa Europe at 769 sa Americas.

Read more...