Pumalo na sa mahigit dalawang milyong manggagawa ang nasa floating status dahil sa pandemya sa COVID-19.
Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Santos Benavidez, galing ang mahigit dalawang milyong manggagawa sa 96,000 na establisyemento o kompanya na naapektuhan ng pandemya.
Nagpatupad aniya ang ilang kompanya ng forced leave o pansamantalang nagsara.
Ayon kah Benavidez, pinapahinulutan naman ng batas na bigyan ng floating status ang manggagawa bastat sisihuraduhin lamang na hindi lalagpas sa anim na buwan.
Kung lumampas na aniya sa anim na buwan, kinakailangan nang ibalik sa trabaho ang isang manggagawa na naka floating status o hindi kaya ay sibakin at bayaran ng separation pay.
Kung hindi babayaran, masring ireklaml ang isang kompanya sa DOLE.
Pero ayon kay Benavidez, susuriin na rin ng DOLE ang datos dahil maaring nabawasan na ito lalot unti unti nabg binuksan ang ekonomiya at lumalakas na ang sektor ng paggawa.