Para mapasigla muli ang domestic tourism, ilulunsad simula bukas ng Cebu Pacific ang kanilang ‘Piso Sale.’
Kasama rin sa trademark promo ng CebuPac ang lahat ng kanilang international destinations para sa mga biyahe simula August 1 hanggang November 30 sa susunod na taon.
“A lot of us are looking forward to experiencing the wonders of travel again, especially now that we are seeing more domestic destinations reopen its doors for tourists. We firmly believe the holiday season is the perfect time to share this gift with everyJuan,” sabi ni Candice Iyog, CEB vice-president for Marketing & Customer Experience.
Panghihikayat ni Iyog, gamitin ng kanilang mga bisita ang kanilang Travel Funds para magpa-book ng kanilang mga bagong biyahe.
Kasabay nito ang paglulunsad ng kanilang bagong sanitation procedures para sa kaligtasan sa pagbiyahe ng kanilang mga pasahero, kasama na ang kanilang contact tracing at testing.
“All these collaborative efforts are testaments of how achievable goals are when we all work together – we are positive our industry will heal and rise as one in no time so #EveryJuanWillFlyAgain,” dagdag pa ni Iyog.