Bicam report sa P4.5T 2021 national budget naaprubahan na


Inaasahan na raratipikahan na ng Senado at Kamara ang inaprubahan ulat para sa isinusulong na P4.5 trillion national budget para sa susunod na taon.

Ayon kay Sen. Sonny Angara, ang namumuno sa Senate Finance Committee, malaking bahagi ng pambansang pondo sa susunod na taon ay gagamitin para sa rehabilitasyon ng mga napinsala ng mga nagdaang malalakas na bagyo at sa patuloy na pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 crisis.

Samantala, ang 10 ahensiya na napaglaanan ng malalaking pondo ay ang Education (DepEd, CHED, TESDA at SUCs), P708.18B; DPWH, P694.82B; DILG, P247.50B; Defense, P205.47B; DSWD, P176.65B; DOH, P134.94B; DOTr, P87.44B; DA, P68.62B; Judiciary, P44.10B at DOLE, P36.60B.

Nabatid na kasama sa mga napondohan ay mga bagong batas, ang Medical Scholarship and Return Service; pagtaas ng Chalk Allowance sa P5,000 ng mga public school teachers; National ID System; Philippine Space Agency, National Commission of Senior Citizens at iba pa.

Read more...