Pantawid-upa para sa informal settlers, lusot na sa komite sa Kamara

Aprubado na ng House Committee on Housing and Urban Development ang panukala na naglalayong mabigyan ng ayudang pang-upa ang informal settlers.

Ipinasa ng komite ang substitute bill nang pinagsamang siyam na bills para sa pagtatatag ng rental subsidy program.

Ayon kay Deputy Speaker at Cagayan De Oro City Rep. Rufus Rodriguez, isa sa mga may-akda ng panukala, pangunahing layunin nito na maalalayan ang mga pamilyang walang bahay habang naghihintay ng permanenteng pabahay mula sa gobyerno.

Sa ilalim ng panukala, tatanggap ng P3,500 na buwanang rental subsidy ang kwalipikadong pamilya sa Metro Manila.

Tinukoy ang informal settlers na mga pamilyang nakatira sa mga pribado o pampublikong lupa nang walang pahintulot ng may-ari.

Kasama rin ang mga nakatira sa estero, riles, dumpsites, tabing ilog at waterways.

Inaatasan naman ang National Housing Authority na ilista ang mga kwalipikadong benepisyaryo na tatanggap ng pantawid-upa mula sa Department of Human Settlements and Urban Developement o DHSUD.

 

 

Read more...