Ito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan, mga negosyo at mapanatili ang trabaho ng mga manggagawa sa lungsod lalo na ngayong panahon ng Pasko.
Ayon kay Mayor Isko, mahalaga na maprotektahan ang mga negosyo at manggagawa na humarap sa matinding pagsubok ngayong pandemya.
Pinatutukan din ni Mayor Isko kay MPD Chief PBGen. Leo Francisco ang mga masasamang-loob na maaaring magsamantala sa mga mamimili ngayong Pasko.
Maari kasi aniyang tumaas ang bilang ng krimen ngayong kapaskuhan dahil sa dami ng mamimili kung kaya’t dapat manatiling alerto ang mga kapulisan at mabantayan ang mga kalsada sa Maynila.