Public at private cold storage, pina-iimbentaryo bago ang COVID-19 vaccination

Kakailanganin ang komprensibong listahan nang lahat ng available na cold chain logistics solutions kabilang ang pagmamay-ari ng mga pribadong korporasyon na maaaring magamit sa pagbiyahe ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, kailangan ang malawak na storage assets mula sa temperature-controlled refrigerated trucking services hanggang sa sapat na supplies ng dry ice para sa pagbabakuna ng unang batch ng 35 milyong Pilipino.

Malaking hamon anya ang logistics dito lalo’t dalawang beses na tuturukan ang bawat isa na may pagitang 19 hanggang 42 araw.

Sabi ng kongresista, bagaman sinasabing 95 percent na epektibo ang most promising na COVID-19 vaccine, kailangan itong iimbak sa
may napakababang temperatura na puno ng dry ice.

Base sa idinisenyong distribution containers ng Pfizer, maaaring itago ang bakuna sa may negative 70 degrees Celsius na temperatura para sa 10 araw kung hindi bubuksan.

Maaari din anyang magamit ang distribution containers bilang temporary storage sa vaccination facility, gaya ng ospital hanggang 30 araw basta’t papalitan ng dry ice kada limang araw.

 

 

Read more...