Singil sa kuryente ng Meralco bababa ngayong buwan

Good news!

May bahagyang pagbaba sa singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan ng Disyembre.

Ayon sa Meralco, ang bawas ay P0.0352/kwh.

Ang bawas singil ay dahil sa pagbaba ng generation charges at WESM prices.

Dahil sa bahagyang pagbaba ng singil sa kuryente ang mga consumer na kumokonsumo ng 200 kilowatt hour ay may bawas na P7 sa kanilang bill.

Sa mga kumokonsumo naman ng 300 kilowatt hour ay P11 ang bawas sa bill.

P14 naman ang bawas kung ang konsumo ay 400 kilowatt hour at P18 ang bawas ang konsumo ay 500 kilowatt hour.

 

 

 

Read more...