Kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas, nadagdagan pa ng 86

Nadagdagan ng 86 pa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 997 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC, DWHVL at Ormoc Molecular Diagnostic Center.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 9:00, Miyerkules ng umaga (December 9), 9,123 na ang confirmed COVID-19 cases sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 435 o 4.77 porsyento ang aktibong kaso.

45 residente naman ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 9,123 o 94.16 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Nasa 98 na ang mga residenteng nasawi o 1.07 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

 

 

 

 

 

Read more...