Kaso ng COVID-19 sa US nadagdagan ng mahigit 182,000 pa

Umabot na sa lagpas 15.5 million ang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 182,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa US.

Dahil dito, umabot na sa 15,565,803 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 9 million na ang gumaling sa COVID-19 sa US at mayroon pa itong mahigit 6.2 million pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 2,500 pang pumanaw sa US dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 293,064 na.

 

 

Read more...