Ayon sa pahayag ng TRB, may karampatang parusa at maaring mauwi sa suspensyon ng toll collection ng Toll Operators kung sila ay makikitaan ng patuloy na paglabag sa Implementing Rules & Regulations (IRR) ng programa.
Sinabi ng TRB na patuloy ang ginagawa nilang Operations at Systems audit sa pagpapatupad ng cashless transaction sa toll plazas.
Kinumpirma din nitong may mga problemang natukoy kabilang na ang inamin mismo ng North Luzon Expressway Corporation (NLEX Corp) sa kanilang RFID sensors.
Inatasan na ng TRB ang mga Toll Operator na gawin ang sumusunod na mga hakbang:
1. Agad palitan ang mga luma na at depektibong sensors (readers).
2. i-relocate o i-reposition ang rfid installation at reloading lanes na nakaaapekto sa pagsisikip ng traffic.
3. Tiyakin ang maintenance at pasasaayos sa systems software
4. Ayusin ang traffic management.
5. Ayusin ang customer service assistance.