Counter-terrorism chief ng NBI patay sa pamamaril sa loob ng kaniyang opisina

Tinambangan sa loob mismo ng kaniyang opisina ang hepe ng counter-terrorism division ng National Bureau of Investigation na si Raoul Manguerra.

Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, hatinggabi ng Martes nangyari ang pananambang pero kahapon lamang ito inilabas sa media.

Naisugod pa sa Manila Doctors Hospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Lavin sa mga naulila ni Manguerra.

 

 

 

Read more...