Bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19, 8,390 na


Nadagdagan pa ang bilang n kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Sa huling datos mula sa PNP (Martes, December 8, 6:00PM) 8,390 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.

Sa nasabing bilang ay mayroong 7,957 na pulis na nakarecover o gumaling na sa sakit kung saan nakapagtala ng 68 na bagong recoveries.

Ang COVID-19 active cases naman ay 406.

Samantala, ang COVID-19 related deaths ay nanatili sa 27.

Pinayuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.

Read more...