Mas malaking bahagi ng bansa apektado na ng Easterlies; extreme northern Luzon apektado ng Amihan

Makararanas ng maulap na papawirin na may pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa dahil sa Easterlies at Amihan.

Sa weather forecast ng PAGASA ngaong araw, December 9 sa buong Bicol Region at Eastern Visayas, kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang mararanasan dahil sa Easterlies.

Magdudulot naman ng mahihinang pag-ulan sa Batanas at Babuyan Group of Islands ang Amihan.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, bahagyang maulap na papawirin lamang ang iiral na mayroong isolated na pag-ulan.

Wala namang sama ng panahon na maaring pumasok sa bansa sa susunod na 2 hanggag 3 araw.

 

 

 

Read more...