Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (December 8, 3:00 PM) nakapagtala ng 203 na bagong kaso kaya pumalo na sa 64,309 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 17,218
Laguna – 17,294
Batangas – 10,910
Rizal – 13,286
Quezon – 5,601
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 5,048.
Nasa 57,486 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 540 na bagong recoveries.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 14,975
Laguna – 15,899
Batangas – 10,132
Rizal – 11,691
Quezon – 4,789
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 11 kaya umabot na sa 1,775 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 469
Laguna – 389
Batangas – 317
Rizal – 432
Quezon – 168
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay.