Nadagdagan pa ang bilang ng mga Filipino na nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) (Martes, December 8), nasa 11,695 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 82 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,270 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Ang bilang ng mga naka-recover o na-discharge na sa ospital ay 7,578.
Ang bilang naman ng mga Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19 ay nanatili sa 847 na.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na Filipino sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,544 na kaso.
Sumunod dito ang Asia Pacific Region na may 1,968 confirmed COVID-19 positive cases.
Nasa 1,414 naman kaso ang sa Europe at 769 sa Americas.