Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (December 8), umabot na sa 442,785 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 25,325 o 5.7 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,400 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
84.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.6 porsyento ang asymptomatic; 0.32 porsyento ang moderate; 2.8 porsyento ang severe habang 5.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 98 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 8,670 o 1.96 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 139 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 408,7902 o 92.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.