Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Biliran.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 13 kilometers northwest ng bayan ng Kawayan, alas-9:22 gabi ng Martes (December 8).
May lalim na 12 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES