Paalala ng DOH sa publiko: Iwasan ang pagvi-videoke sa Christmas at New Year celebration

Umapela sa publiko si Health Secretary Francisco T. Duque III na iwasan ang labis-labis na selebrasyon sa Christmas at New Year.

Partikular na paalala ni Duque, iwasan ang pagvi-videoke sa mga pagdiriwang.

Sinabi ni Duque na batay sa pag-aaral ng Aerosel Science and Technology Journal, ang loud singing ay kayang magkalat ng virus ng 448% na mas mataas kumpara sa normal na pagsasalita lamang.

Dahil dito, umapela si Duque sa publiko na iwasan ang videoke parties at malalaking salu-salo upang maiwasan ang paglaganap ng virus.

Maliit na sakripisyo lamang aniya ito para sa kaligtasan sa pagdiriwang ngayong Pasko.

 

 

 

Read more...