LGUs inatasan ni Pangulong Duterte na pumili ng mga hotel sa kanilang lugar na pwedeng magamit para sa COVID-19 patients

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang local government units na pumili ng mga hotel sa kanilang nasasakupan na pwedeng magamit na pasilidad para sa COVID-19 patients.

Ayon sa pangulo, kulang sa quarantine facilities ang bansa lalo na para sa mga naghihintay pa lang ng resulta ng kanilang swab tests at iyong mga hindi naman kailangang maospital.

Sinabi ng pangulo na bakante naman sa ngayon ang mga hotel.

Pagkatapos aniya ng pandemya ay maari naman itong isailalim sa decontamination.

Hiniling din ng pangulo sa mga hotel owner na sla na mismo ang magkusang ialok ang pagpapagamit sa kanilang establisyimento.

Ayon sa pangulo gagawa sya ng paraan upang mabayaran ang mga pasilidad.

 

 

Read more...