Pasig River Ferry bubuksan tuwing Linggo para sa buong buwan ng Disyembre

Bubuksan tuwing araw ng Linggo para sa buong buwan ng Disyembre ang Pasig River Ferry.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ito ay para mas mapagsilbihan pa ang mga commuter lalo ngayong holiday season.

Libre din ang sakay ng mga pasahero simula Lunes hanggang Linggo alas 6:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi.

Kabilang sa pperational stations ang mga sumusunod:
– Pinagbuhatan at San Joaquin sa Pasig City
– Guadalupe sa Makati City
– Hulo sa Mandaluyong City
– Lambingan, Sta. Ana, Polytechnic University of the Philippines (PUP), Escolta at Lawton sa Maynila

Lahat ng pasahero ay required na magsuot ng face masks, face shields at sumailalim sa temperature check.

Pinaiiral din ang “once seat apart” rule sa loob ng ferry boat

 

 

Read more...