Tatlong miyembro ng Toronto Raptors team nagpositibo sa COVID-19

Tatlong miyembro ng koponang Toronto Raptors ang nagpositibo sa COVID-19.

Kasunod itong pagsasailalim nila sa mandatory testing ng liga bago ang pormal na pagsisimula ng NBA season.

Sa inilabas na pahayag ng Raptors, hindi nito tinukoy kung sinu-sino ang tatlong nagpositibo sa sakit.

Pero ang mga ito ay nakasailalim na umano sa self-isolation.

Batay sa isinagawang contact tracing at follow-up testing, ligtas naman sa sakit ang iba pang miyembro ng team.

 

 

 

Read more...