Ayon sa pangulo, ito ay para maiwasan din ang paggamit nila agad ng baril kapag ang isang suspek ay nanlalaban.
Sa kaniyang weekly pre-recorded speech na umere Lunes ng gabi, sinabi ng pangulo na nagtataka siya kung bakit itinigil ang paggamit ng baton ng mga pulis.
Kung maibabalik ang baton, sinabi ng pangulo na ang gawa sa matigas na rubber ang kaniyang ipagagamit sa mga pulis at hindi ang gawa sa kahoy.
Habang wala pang nabibiling mga baton, maari aniyang gumamit muna ng yantok.
MOST READ
LATEST STORIES